Chitika Ad 1

Linggo, Setyembre 25, 2011

I Am Flying With Love

(Love Dove’s Message)



Dove, dove, dove, flying above…
Love, love, love, I am falling in love
This is just the core message of these combined words…
Wrapped and tied with sweet and amorous cord…
This is maybe used word too much in the history…
Or somehow cliché to hear today…
But still I want to use in this poetry…
For it is what I feel for you today…
Yes, I am falling in love with you…
That is why I say I love you…
But please don’t say the same…
If your heart doesn’t mean…
It is better to feel the pain…
Than to live in a dream…
I just want you to know what is inside me…
But it’s up to you if you will lend me the key…
When I reveal what I feel…
It is my heart that tells…
I love you is not the spell…
To ring out your heart’s bell…
Love is what my heart dictates…
So I say it to give justice…
To the beat which keep on knocking me…
That is why I make myself ready…
To speak out this emotive reality…
I will say it even in a bended knee…
With a bullet of sincerity…
By a trigger of integrity…
Before the innocence of your eyes…
I will tell you mine with rhymes…
In a cadence to my heartbeat within…
In expressing my genuine feeling…
Dove, dove, dove, bring me above…
Love, love, love, this is all I have…
 Up, up, up, I am flying with love
Catch me please, I am falling in love
 “I love you, I love you, I love you,” I say…
Please listen very cordially…
For I am divulging the bareness of my heart…
This maybe the end of this poetry but I’m just doing the start…
Dove, dove, dove, bring me above…
Love, love, love, this is all I have…
Up, up, up, I am flying with love
Catch me please, I am falling in love

Jueteng D’ Ending of Lyf

(Paghihintay sa Katapusan ng Buhay)


Zzzzzzzzzzzz…

Sarap na ng pagkakahimbing ni Mang Juan sa pagtatapos ng araw na ito. Mahusay niya nang ibinibigkas ang huling titik ng alpabeto. Subalit nababakas pa rin ang kalungkutan sa mga dulo ng kanyang labi. Kanina lamang nabanat ang mga kulubot sa kanyang mukha dulot ng hiyaw ng paghanga at pagsuporta. Kumikislap pa ang mga mata habang nanonood ng huling laban ng basketbol sa telebisyon. Subalit nanumbalik muli sa pinaglihisang katangian nang matalo ang kanyang iniidolong kupunan sa katapusan ng laban. Ang naging resulta ay siyamnapu’t dalawang (92) puntos ng Alaska kontra sa walongpu’t apat (84) na puntos ng Ginebra. Natalo na nga ang kanyang kupunan natalo pa siya sa ending ng bayan. Tatlong taya, singkwenta ang talo. Dalawampung pisong taya kay Osang, dalawampu din kay Doming at sampung piso kay Waldo. Tatlong taya, isang pares ng numero. Muntikan pa ngang tumama ang inaalagaan niyang numero.

            “Sayang,” ang sambit niya sabay suntok sa hangin.
           
“Panalo na, nag-free-throw pa.”
           
Naipasok pa kasi ang isa sa dalawang free throw bago man lang matapos ang laro. Hindi naman siya lubusang makapagsisi sapagkat kupunan niya ang may gawa.
           
“Sayang, 2-3 na sana.”

            Ikatlong araw ng Pebrero ang kanyang kaarawan. Kaya 2-3 ang paborito niya. Umaasa siyang kakabit ng araw na iyon ang swerte ng palad niya.

            Minsan na sana siyang tatama subalit hindi naman nakataya. Minsan namang nagtaya, ngunit ibang numero naman ang ginamit. Binaligtad niya ang dati niyang numero kaya 3-2 ang kinalabasan. Saka naman noon tumama ang 2-3. Hay, iba talaga ang laro ng sugal. Nagsusugal ka na, nilalaro ka pa.

             Minsan na rin siyang tumama. Kaya lang nga noon, isang piso lang ang laman ng kanyang bulsa. Swerte namang may nag-alok na bata kaya dalian naman siyang tumaya. Tumaya ng isang piso, kumabig ng limampung piso. Hay, mapaglaro nga ang sugal. Nagsusugal ka na, nakikipaglaro ka pa.

            “Hay, naku, talo na nga ako, uhaw pa,” hinaing ni Mang Juan.
           
“Mabuti pa uminom.”
           
Kaya walang anu-ano, tinawag ang nangangayayat na anak. Inutusan. Pinabili ng paborito niyang inumin – inumin ng paborito niyang kupunan. Nagbyahe siya sa bilog na mundo. Nalula. Nakaramdam ng antok. Natulog.

            Zzzzzzzzz….

            O ayan! Hayaan na muna natin si Mang Juan na matulog sa nakakahilong gabi. Iwan na muna natin siya. Mahimbing na naman ang kanyang tulog sa saliw ng mga kumakalam na sikmura na alay ng kanyang pamilya. Mapayapa na naman ang kanyang tulog dulot ng paghele ng mga buto’t balat na katawan.

            Halika na. Landasin natin ang ilalim ng madidilim na ulap. Dito makapangyarihan ang mga tambutso. Bumubuga sila ng usok ng karimlam. Maaari kang makisabay kung wala kang pakialam. Sa ating paglalakbay, hahagilapin natin ang dulo ng daan kung saan naroon ang ending ng buhay. Kailangan lamang na hindi tayo mainip. Tayo ay matiyagang mag-abang. Maghintay. Let’s do jueteng.

            Iba talaga ang Pinoy. Basta mayroong masulyapang mapagkakakitaan, didiskarte ng paraan. Sa larong basketbol, hindi lamang basketbolista ang nakikinabang. Hindi maaaring manood na lamang. Hanggang maaari, kumikita rin ang mga tagahanga habang humahanga. Kung bawal ang jueteng, pausuhin ang ending.

            Sa mga probinsiya hindi pa ito gaanong kilala. Subalit sa Metro Manila, ito ay sikat na at nakikipagsabayan pa sa mga balitang pampalakasan. Ito ay matatagpuan mula sa kasuluksulukan at eskenita ng squatter hanggang sa mga bangketa sa lansangan at mula sa mga karenderya hanggang sa mga terminal ng sasakyan. Iyo na lamang maririnig, “Boss, ending, taya boss, ending…”, “Numero po, numero po, baka swerte niyo ngayon…” Kung sa tindahan mayroong suki, ganoon din sa larong ending. “Boss, 2-3 ulit?!” Ang iba nga sa senyas lang nakatala na. “Dati lang!”

            Ang salitang ending ay hindi na salitang banyaga. Hindi na lamang ito nangangahulugan ng katapusan tulad ng nais ipahayag nito sa English. Sa ibang mga Pilipino, ito ay isang laro, libangan sa iba at maaari namang makabilang sa sugal sa pangkalahatang kaisipan. Nagsisimula ang ganitong laro sa pagtatapos ng bawat laban. Mahalaga ang puntos ng bawat basketbolista para marating ang inaabangang katapusan ng bawat laro. Isa sa isangdaan ang porsyento ng kasiguraduhan ng laban. Isang daan na pares ng mga numero subalit isa lamang ang natutuldukan ng swerte.

            Sa katunayan nga, maaari ring maging kandidato ang ending para sa titulong “Pambansang Sugal ng Bayan.” Walang sinisino at kinikilingan ang larong ito. Walang sinuman ang ispesyal. Walang kaibigan. Walang kamag-anak. Lahat pantay-pantay, bata man o matanda, lahat maaaring tumaya at magpataya. Kahit bata dito ay may karapatan. Dito ay may kakayahan na siyang mangasiwa, mangolekta at magbigay ng yaman sa mga tagataya. Dito sila ay hinahasa at inihahanda sa mundo ng kanilang magulang para maging karapat-dapat na bunga ng mga kasalukuyang puno. Sila ang mga inaasahang kuryador ng paghihintay (jueteng) sa hinaharap. Ika nga, “Ang paghahanda ay nakakahasa ng gawa.” Kaya ayon sa surbey ng karanasan, ang mga batang ito ngayon, bukas inaasahan na silang magbabalasa ng mga maharlika at de-numerong dahon. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Kaya sino nga naman ang magpapatuloy ng pagbiglad ng baraha kung hindi ang mga kabataan ngayon. Dapat nga ba talaga na ito ang maganap?

            Ano nga ba talaga ang inaasahan sa pagtaya sa jueteng at ending? Dito ba hinihintay ang swerteng numero? Dito ba inaabangan ang katapusan ng laban? Ano nga ba ang hinhintay dito? Ang mga dulo ba ng numero? Ang mga guhit kaya ng palad? Ang mga paglitaw ng numero na idinikta ng signos? O baka naman ang katuparan ng pangarap? O baka naman ang katapusan ng kahirapan? O baka ang simula ng magandang buhay? Susugal ka ba sa paghihintay? Susugal ka ba sa ending ng buhay? Malay mo, matyambahan mo ang swerte sa pagtaya lamang ng inaakalang katapusan. Sino nga ba naman ang makapagsasabi? Sugal ito! Malay mo, matamaan mo.

Ano nga ba talaga ang ending ng buhay? Paano ba ito hihintayin? Maaari ba itong tayaan? Maaari ba itong diktahan? Maaari ba itong hulaan? Maaari ba itong isugal? Magkano ang iyong taya sa kahihinatnan ng iyong buhay? Magkano ang iyong isusugal sa katapusan ng iyong buhay? Magkano ang iyong buhay? Dehado ka ba o llamado sa itinataya mo sa sugal ng iyong buhay?

            Iba-ibang katauhan na at kulay ng mundo ang iyong itinaya makamit lamang ang swerteng inaasam. Ilang ulo na rin ni Rizal ang iyong itinaya. Tulad rin kaya iyon ng pagtaya niya ng kanyang buhay sa bansa? Hindi na nga ba kayang mapigilan ang iyong bisyo kahit pa magkapit-bisig pa si Mabini at Bonifacio? Sinamantala mo na ang masayang kulay ni Quezon habang nakabandera ang konstitusyon. Ibininta mo pa ang ala-Mona Lisa na ngiti ni Osmeña. Hinugot mo rin si Roxas sa kanyang mapanglaw na kapaligiran. Wala kang pakialam sapagkat sa likod naroon ang Bangko Sentral. Hindi ka rin kayang mapigilan kahit dumumog man ang masa sa Edsa.Nakipagsabayan ka pa sa panunumpa ni Gloria. Hindi rin natitinag ang iyong damdamin ng kalungkutan ni Ninoy kahit sabihin  niya pang “The Filipino is worth dying for” sapagkat para sa iyo “Sugal is worth playing for.” Hindi ka na rin nag-aalangang bitawan ang Trinidad na mataas ang kalidad sapagkat para sa iyo ang kapalit nito ay panibagong ulo nina Jose, Vicente at Josefa kung suswertehin. Sino nga ba naman sila na tinaguriang bayani ng bayan? Tao lamang sila sa pera kahit sa reyalidad ang tao ay walang pera. Nararapat nga lang ba sa kanila na maging kasosyo sa laban? Bakit hindi? Sugal ito? Lahat maaaring magtaya at itaya. Sugal ito! Kahit buhay ng tagataya ang itaya, tuloy ang laban. Sugal ito! Lahat maaaring magtaya at magdaya. Oo, sugal ito! Walang sinisino. Lahat pantay-pantay. Lahat ay may karapatan na maging makapangyarihan. Subalit mag-ingat lamang sapagkat ang lahat dito ay may kakayahan na maging tuso. Dito ay walang sinisino. Lahat maaaring makihalubilo tao man o mga hayop sa gubat ng mundo. Ang nangingibabaw dito ay hindi ang mabubuting tao kung hindi ang buwayang tuso. Bawat laro dito ay kapit sa patalim sapagkat walang katiyakan ang maaaring marating. Lahat dito ay inaanyayahan lalo pa silang malalakas ang kalooban. Ang katangiang ito ay kinakailangan dito sapagkat darating ang panahon na buhay na mismo ang dapat itaya. Lalaban ka ba o babawi?

            Halina! Ilabas ang pitaka!

Halina! Pakawalan na ang mga bayani ng bayan.

Halina! Ilapag, ilatag ang dignidad.

Halina! Maghintay.

Halina! Mag-jueteng.

Halina at simulan ang ending ng buhay.

Ngunit sa kabilang banda ay may mga nagtatanong. Kailan daw ba magaganap ang katapusan ng mga nasimulan? Kailan magwawakas ang pagbalasa ni Hudas? Kailan mararating ang tuldok ng kanyang pag-alok ng mga kalahok? Patuloy pa rin siyang nag-aanyaya ng mga makakasama sa loob ng lubid na humuhigpit sa leeg. Siya ngayon ay nagpapagaya ng pagkitil ng sariling hininga. Gagaya ka ba? Susugal ka ba?

Kailan nga ba magtatapos ang sugal ng bayan? “Kailan magaganap ang katapusan ng paghihintay? Kailan magaganap ang katapusan ng katapusan?” (When will be the ending of jueteng? When will be the ending of ending?)

Kailan nga ba? Kailan? Kailan ang katapusan ng paghihintay ng katapusan?

(Matanong nga si Mang Juan)

Sa iyong palagay, Mang Juan? Kailan nga ba? Anong opinion ang iyong maibibigay?

Zzzzzzzzzzzzzzzzzz…

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Mahilig magsulat sa scratched paper saka ililipat sa kwaderno at ilalagay naman sa kompyuter... (",) For comments, suggestions & reactions, kindly send me message at kwadernonijuan@live.com or post a comment/s on this blog.

Mga tagasunod

Chitika

Chitika Ad 3

Kilalang Mga Post