Chitika Ad 1

Sabado, Oktubre 8, 2011

Lt. Hernando (Huling Bahagi)



Kinabukasan, nalantad sa madla ang pagkakatagpo sa labi ni Carlos. Magkasamang natagpuan ang bangkay nila ng kanyang asawa. Halata sa mga labi nito ang labis na pagpapahirap na halos hindi na makilala. Biglang napalitan ng luha ang dating saya.

Sa sumunod na araw, habang nagluluksa, dumating ang huling sulat ni Carlos na sinulat niya dalawang araw bago siya mamatay. Nagtipon muli ang buong pamilya sa tabi ng Ina. Maluha-luha ang mga mata ng lahat habang binabasa ang sulat.

“…Sa pagbasa niyo nitong sulat, marahil nasa piling niyo na rin ako. Hindi nga lang buhay pero kapiling niyo ako. Marahil hindi na kayo magtataka kung bakit ko ito sinasabi. Alam na ng mga kasama ko rito ang tunay kong pagkatao. Nalaman din nila ang aking ginawang pagsubaybay at pakikipagsulatan sa inyo. Salamat na nga lamang at naisulat ko pa ito. ‘Wag kayo mag-alala. Handa na ako sa anumang mangyayari. Hindi ako natatakot dahil nababatid kong nagkaroon pa ng saysay ang aking kamatayan. Naging daan din ako ng katotohanan. Ginawa ko ito hindi lamang para sa ating pamilya bagkus para sa bansang Pilipinas. Sa paraang ito ako tinawag. Sa ganitong paraan ako kailangan, at sa paninindigan ring ito ako mamamatay.
Pakiusap ko na lamang po ay ‘wag niyong pabayaan ang aming mga anak. Mahal na mahal ko sila.Ipadama niyo na lamang sa kanila ang aming walang humpay na pagmamahal.
Hangad ko ang tagumpay ng ating pamilya. Hangad ko ang kabutihan ng ating bansa.
Alam kong alam niyo kung gaano kayo kahalaga sa aking buhay. Mahal ko kayong lahat. Mahal na mahal po kita, Inay. Salamat! Paalam!
Mabuhay ang pamilya Hernando! Mabuhay ang bansang Pilipinas!”

Nagdadalamhati man ang pamilaya subalit ang sulat na iyon ay nagpaalab pa lalo sa kanilang pagkakaisa at pagmamahalan. Nawalan man ng dalawang miyembro pero mas tumatag pa ang samahan. Maligaya na sila na nakamit ang katarungang inaasam.

Lumipas ang dalawang taon, si Hanna ay ganap ng abogada. Bahagi pa rin siya ng pamilya lalo pa dahil naging kasintahan siya ni Mikel na ngayon ay nasa ikatlong taon na sa kursong abogasya. Noong matapos ang kaso, bumalik din naman agad si Samuel sa Amerika, subalit matapos ang isa’t kalahating taon, bumalik siya dala ang bagong pag-asa ng kanyang pamilya. Nagkabalikan sila ng dati niyang asawa na si Charmie. Dito na sila tuluyang titira at magtatayo ng negosyo. Bukod kay Mikel, dito niya na rin balak patapusin ng pag-aaral ang kanyang dalawa pang anak na si Mina at May. Si Amanda naman ay kinuha bilang nurse sa private clinic ni Dr. de los Reyes. Tuluyan na ring napalapit sa kanya anak na si Mark na nalayo ang loob sa kanya dahil sa pagtatrabaho niya dati sa Israel. Si Marlyn at Azur naman ay pinalago ang lupain ng pamilya na ngayon ay plantasyon na ng tubo. Isa na sila sa malaking suplayer ng asukal. Tinutulungan sila sa pamamahala ng kaibigan abogado na si Atty. Gabriel Granadino. Hindi na rin kasi siyaiba sa pamilya dahil napangasawa niya si Carmen. Bilang mag-asawa, napalago naman nila ni Carmen ang negosyo nila sa paggawa ng minatamis – Hernando Sweets. Sa kasalukuyang, nakapagtayo pa sila ng tatlong branches bukod sa Cavite. Mayroon na sila sa Batangas, Laguna at Quezon province. Nagbabalak na rin sila maglagay sa Camarines Sur.

Si Illumina, ang kanilang ina, hindi umabot ng isa’t kalahating taon sa higaan. Dininig ng Diyos ang kanilang panalangin na halos lingo-linggong nagsisimba at sama-samang nagdarasal. At syempre, laking tulong ang ipinakitang pag-aalaga at pagmamahal ng buong pamilya sa kanya.

Kung wala ang mga anak, kasama niya sa bahay ang kanyag mga apo lalo na ang dalawang naiwang anak ni Eman at asawa nito. Katulong niya din ang pamilya ni Poldo, lalo na ang mag-ina nito na si Estella at Diana.

Ngayon, masaya ng namumuhay ang pamilya Hernando. Natupad na rin sa wakas ang natatanging pangarap nila. Nawalan man ng dalawang kapamilya, mas tumatag naman ang samahan na pinatibay ng pagkakaisa sa pagharap sa pagsubok at walang humpay na pagmamahal sa loob ng pamilya. Naging larawan sila ng pag-asa sa bansa. Pinatunayan lamang nila na mayroon pang pag-asa at pag-unlad na makakamit sa bayan. Mas pinatunayan nila na hindi basta-basta ang pamilyang Pilipino.

One big happy family!!! Ito ang pangarap nilang mabuo.

…Wakas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Mahilig magsulat sa scratched paper saka ililipat sa kwaderno at ilalagay naman sa kompyuter... (",) For comments, suggestions & reactions, kindly send me message at kwadernonijuan@live.com or post a comment/s on this blog.

Mga tagasunod

Chitika

Chitika Ad 3

Kilalang Mga Post