Noong ikalima ng Mayo naman, naimbitahan si Carmen sa kasal ni Lando, dati niyang kasintahan. Dahil sa dati siyang priso at napamahal na sa kanya ang komunidad na iyon, minabuti nilang doon na gawin ang kasal. Napagkasunduan na nila ng kanyang mapapangasawa na doon ganapin ito dahil sa isa pang kadahilanan. Naroon din kasi nakakulong ang ama ng dalaga.
Dumalo nga doon si Carmen. Naging matagumpay ang okasyon. Nalungkot man siya noong una dahil na rin sa nakaraan nila subalit naging masaya na rin siya na makitang masaya ang dati niyang minahal. Ngunit sa okasyon ding iyon, inilalapit yata sa kanila ang katotohanan.
National Bilibid Prison iyon kaya may mga sundalo sa palibot. Noong palabas na siya, dalawang sundalo ang hindi niya sinasadyang maulinigan ang pinag-uusapan. Ang sabi ng isang sundalo, “Alam mo pare, nakokonsyensiya talaga ako sa ginawa kong pagbaril kay Lt. Hernando. Ayaw ko mang gawin pero utos ni General…”
Nabigla si Carmen sa narinig. Lumabas siya sa pinagtataguang pader at hindi nagpahalatang may narinig. Ngunit naging matalino pa rin siya sa pagkilala sa sundalo. Tinandaan niya ang mukha at ang pangalang nakadikit sa unipormi nito. Hugo ang apelyido nito. Tinandaan niya rin maging ang oras at lugar na pinag-usapan ng dalawa.
Agad niya itong ipinaalam kay Atty. Granadino na sinadya niya pa sa opisina nito. Pagkatapos noon, sabay na silang nagtungo sa tahanan ng pamilya.
Sa pagdating nila doon, naabutan nila na naroon sa kwarto ni Illumina ang halos lahat na miyembro ng pamilya. Lahat nakikinig sa sulat ni Carlos na binabasa ni May, bunsong anak ni Joaquin. Naabutan nila na binabasa ni May ang bahaging ito:
“…Ipagdasal niyo ang aking kaligtasan dahil habang nalalaman ko ang katotohanan, lumalapit rin sa akin ang panganib. Aking nadiskubre na tunay ngang may matatas na opisyal na tumutulong sa mga NPA. Sila ang nagsusuplay ng mga armas mula sa AFP. Matatas silang mga opisyal na may plano ring sirain ang gobyerno. At isa sa aking nalaman ay ang pakikisabwat ni Gen. Trinidad…”
Sa pagkakarinig ng pangalang iyon, biglang sumingit si Carmen dahil sa ang pangalang ding iyon ang nabanggit ng sundalong kanyang narinig. Dahil sa inpormasyon mula kay Carlos, mas nabuhayan ang pamilya na lumaban lalo pa ng magsalita rin si Amanda – bunso sa magkakapatid. Kahit naging abala si Amanda sa pag-aalaga sa ina, hindi naman siya nagpabaya sa pagtulong sa kaso. Minsan iniwan niya ang kanyang ina sa kanyang pamankin. Dahil nga sa dati siyang nurse, may mga kakilala siyang mga doktor. Sa kabutihang palad, isa sa mga tumingin sa labi ni Regor ay kanyang kaibigan. Nalaman niya na possible nga talaga na kapwa sundalo niya sundalo ang bumaril ditto. Ito ay sa kadahilanang ang mga tama ng bala ay nagpapakita ng malapitang pagbaril bukod pa sa dami ng baling nakuha. Pinakiusapan niya ang kabibigan na si Dr. Melvie delos Santos na tumulong sa kaso na kanya namang pina-unlakan.
Dumating nga ang limang buwan ng pagkamatay ni Regor. Nabigla ang lahat na pinagkaguluhan ng media dahil sa paglabas muli ng kaso ni Narciso. Binuksan ito at nagsimula ang pandinig.
Sa ibang banda, ito palang si Mikel ay gumagawa rin ng paraan para tulungan ang tiyuhing si Carlos na malinaw rin ang kaso. Katulong niya ang mga kasamahan sa Unyon na dati ring kinabibilangan ni Carlos.
Kasabay rin ng araw na iyon, dumating sa bansa si Joaquin dala-dala ang pahayag na nagbuhat na rin sa kapatid na si Regor bago pa man ito mamatay. Bago nagpaalam noon si Regor at Hanna sa buong pamilya ng nakaraang Pasko, kinausap muna ni Regor si Joaquin ng sarilinan. Sinabi niya sa kanya ang katiwaliang nangyayari sa sandatahan at kanya ring nabanggit ang kalokohan ni Gen. Trinidad.
Lahat ng nakuha nilang inpormasyon at tao ay dumating. Kanilang nakuha ang pahayag ni Roy Hugo – ang naulinigang sundalo ni Carmen. Naging malakas ang kanilang panig lalo pa sa mga karagdagang pahayag ng tatlong sundalong kasamahan at kaibigan ni Regor na pinakiusapn ni Hanna – si Sgt. Enriquez, Sgt. Aquela at Sgt. Lelis.
Naging mainit ang balitang ito sa lahat ng pahayagan at telebisyon. Habang lumalalim ang imbestigasyon, mas dumadami pa ang sanga ng stwasyon. Marami pang opisyal ang nabunyag. Sa lakas ng mga ebidensiyang inilapag, nakamit nila ang katarungan. Ganap na natapos an gang kaso matapos ang anim na buwan – isang taon mula ng mamatay si Regor. Naging mabilis ang pandinig dahil habang ninlilitis, mas dumadami pa ang nagkakalakas ng loob na maglabas ng katotohanan lalo na ang mga sundalong dating pinamumunuan ni Lt. Regor Hernando. Lumabas na rin ang mga isyu tungkol sa pangungurakot ng mga budget para sa mga armas at iba pang gamit pandigma. Nabunyag na rin ang planong rebelyon laban sa adminstrasyon. Dahil rin dito, mas pinatutukan ng Pangulo ng Plilipinas ang kaso. Tumulong na ang Malacañang sa mabilis na paglutas sa kaso.
Kasunod na rin dito ang pagkakatuklas ng katotohanan ng tungkol sa kaso ni Carlos. Sa tulong ng mga samahan, nalinaw ang kaso at nahuli ang tunay na may sala. Isang opisyal din ng pulisya ang may gawa na pinalabas na siya para papaghinain ang pinamumunuang samahan ng mga aktibista.
Ngunit habang nagdidiwang ang pamilya sa nakamit na tagumpay, hindi pa nila batid na dalawang araw, bago manalo ang kaso ni Regor, pinatay si Carlos ng sekretong samahan dahil nabisto siya ng mga ito. Ginamit kasi ang mga sulat niya sa pagdinig ng korte kaya naghinala ang mga opisyal na may nagmamatyag doon sa bundok. Nakilala siyang kapatid ni Regor at natagpuan din sa kanya ang mga sulat ng kanyang pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento