Chitika Ad 1

Sabado, Oktubre 8, 2011

Lt. Hernando (Unang Bahagi)

               Halos limang buwan na rin mula ng mapatay sa engkwentro si Lt. Regor Hernando. Sa loob ng panahong iyon ay tahimik lamang ang kanilang pamilya tungkol sa dahilan ng kanyang pagkamatay. Halos walang narinig ang media sa opinyon nila.

            Isang lingo matapos mailibing si Lt. Hernando, pumunta ang ilang militar sa kanilang tahanan. Tinanggihan sila ng panganay na kapatid nito na si Carmen. Buhat noon, walang sinuman ang nagsalita sa pamilya.

                Subalit, matitiis nga ba talaga ng pamilya nila na hindi bungkalin ang katotohanan at makamit ang katarungan? Lalo na ngayon na dalawang miyembro na ng kanilang pamilya ang nangangailangan nito – si Regor na hinihinalang pinatay ng kapwa militar at si Carlos na pinagbintangan na nagtapon ng bomba sa isang pagtitipon sa bayan.

                Ang hindi alam ng lahat, na sa limang buwang pananahimik, ang pamilya, lalo na si Hanna, naiwang kasintahan ni Regor, ay palihim na naglilikom ng ebidensya para sa kaso. Sa panahong iyon at lalo pa ngayon, mas naging matatag dahil sa pagkakaisa ang pamilya Hernando. Si Hanna ay parang tunay na kapamilya na rin. Lagi siya sa bahay ng nasirang kasintahan. Tumutulong na rin siya sa pag-aalaga kay Illumina, ina ni Regor na kasalukuyang may sakit.

                Dahil sa labis na pagmamahal ni Hanna kay Regor, hindi niya matiis na hindi nito matanggap ang katarungan kaya naman matiyaga siyang naghahanap ng makakatulong sa kaso. Noon ay isinasama siya si Regor sa kampo kung kaya may mga nakilala rin siyang mga sundalo lalo pa iyong mga matatalik na kaibigan ng kasintahan. Sila ay nakatulong sa kanyang paghahanap ng ebidensiya at nangako na handing magsalita sa tamang panahon.

                Hindi nakapagtataka na ganoon na lamang ang husay at kaalaman ni Hanna sa paglutas ng kaso. Anak siya ng isang abogado. Abogasya rin ang kinukuha niyang kurso matapos ang kurso niya sa sikolohiya. Tumigil lang siya sa pag-aaral ng nasabing kurso dahil sa kakulangan ng pera ng mamatay ang ama.

             Si Carlos naman ay patuloy pa rin sa pagtatago. Hindi man siya ang talagang gumawa ng pagpasabog, subalit nakaplano na ang lahat para patayin siya kung sakaling mahuli. May alam rin kasi siya tungkol sa tunay na may kagagawan nito bukod sa pagiging miyembro niya ng sekretong samahan. Ang pagsabog ay isa lamang frame-up sa kanya. Mula sa hindi malamang pinagtataguan, patuloy pa rin siya sa pagpapadala ng sulat. Nagkukwento siya sa mga pinagdadaanan niya sa pinagtataguang bundok. Sa kabutihang palad, naging tulong rin ang ananatili niyang iyon sa bundok sa paglutas ng kaso ni Regor. Nabanggit niya sa sulat na sa hindi inaasahang pagkakataon, narinig niya ang ilang miyembro ng sekretong samahan doon na naroon din sa labanan sa Basilan kung saan namatay si Regor. Hindi alam ng kapwa niya NPA na kapatid niya si Regor. Kaya, wala lang sa kanila kung sakali mang maulinigan ni Carlos ang kanilang pag-uusap. Nabanggit ng isang NPA kung paano pinatay ng kapwa militar si Lt. Regor.

              Hindi muna siya umimik at hindi muna nagpakilala na kapatid siya ng yumaong opisyal dahil sa alam niyang marami pa siyang malalaman ukol sa kaso. Doble ingat siya dahil alam niya na maaaring may opisyal din ng NPA na kasangkot ng mga NPA. Alam niya rin kasi ang isyu tungkol sa pagsusuplay ng armas ng mga NPA galing na rin sa armas ng bansa. Ito nga ang katotohanang naging hudyat ng buhay ni Regor nangg mapatunayan niya ito sa pagkaka-recover ng ilang mga armas sa isang bypass operation. Alam niya na kung makikilala siya ay ipapapatay rin siya. Nagpatuloy siya sa pagsubaybay at walang patid na pagbalita din sa kanyang pamilya. Doble ingat nga lang talaga.

                Si Mikel na anak ni Joaquin, isang kapatid ni Carmen at kasalukuyang nasa Amerika pa rin, ay sumama na rin sa mga rally. Wala nang nagawa ang ama dahil maging ito ay nagbago na rin sa makadayuhang pananaw. Namulat siya sa tunay na nangyayari sa bansa dahil na rin sa nararanasan ngpamilya. Dati nang isinama si Mikel ng kanyang tiyuhing si Carlos sa isang rally na ikinagalit nga noon ni Joaquin. Doon nagsimulang mabuhay ang kanyang diwa na lalo pang pinapatibay ngayon dahil na rin sa mga nagaganap sa kanilang pamilya. Abogasya rin ang kanyang kinukuha sa Unibersidad ng Pilipinas.

                Ngunit paano nga ba magtatanggol kung walang ganap na abogado ang hahawak nito? Hindi naman sila nahirapan sa paghahanap nito dahil ang asawa ng kapatid nilang si Marlyn ay may matalik na kaibigang abogado. Maswerte din sila sapagkat, isa ito sa pinakamagaling sa bansa na nagpangatlo pa nga sa Bar Exam. Siya si Atty. Gabriel Granadino. Halos taos-puso siyang tumutulong sa pamilya dahil minsan na din siyang natulungan ng malaki ni Azur, asawa ni Marlyn.

Itutuloy…


1 komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Mahilig magsulat sa scratched paper saka ililipat sa kwaderno at ilalagay naman sa kompyuter... (",) For comments, suggestions & reactions, kindly send me message at kwadernonijuan@live.com or post a comment/s on this blog.

Mga tagasunod

Chitika

Chitika Ad 3

Kilalang Mga Post